June 10, 2006

dayalogo

Kaninang umaga, nagrereklamo si Mama na hindi maganda ang kanyang pakiramdam at sinisisi ang init ng panahon.
AKO: Psychological lang yan. Isipin mo maganda pakiramdam mo, tapos gaganda rin yang pakiramdam mo. (Ha! Ang yabang ko pa!)
NANAY: (May ismid sa kanyang mukha) Eh ikaw kaya, isipin mo may trabaho ka, siguro magkakaroon ka nga ng trabaho! (Sabay tawa!)
AKO: (Natawa, sabay palo kay Mama ng hawak kong unan) [Thought Bubble: Oo nga naman!]

No comments: